Bakit Dapat Piliin ang Timmins?

Ang Lungsod ng Timmins ay isang mapag-anyaya at ligtas na komunidad na taglay ang lahat ng aspeto upang magkaroong ng balansyadong pamumuhay. Isang nagniningning, umuusad at masiglang komunidad, ang Timmins ay naghahandog ng huwarang lugar para sa komersyo, pagtatrabaho, pag-aaral, pagpapalago ng iyong pamilya at pamumuhay ng buhay na iyong inaasam.

Ang lungsod ay nag-aalok ng itsurang panlungsod at pamprobinisya na may pakiramdam ng paninirahan sa isang maliit na bayan, kung saan ang mga tao ay palakaibigan, kung saan ang pagnenegosyo ay matagumpay at kung saan maraming mahahalagang serbisyo at modernong pasilidad na mag-aalok ng maginhawang pamumuhay.

Mayaman sa kasaysayan at tradisyon, at may walang-katulad na kultura at pagkakakilanlan, ang Timmins ay isang bukas na komunidad kung saan nakikita ng mga tao ang benepisyo sa isang komunidad na magalang, at may iba't-ibang kultura at wika. Masayang nagbabaha-bahagi ang mga lokal na residente sa kultural na pamana at mga tradisyong ipinagdiriwang ng mga taong ginawang tahanan ang lugar na ito. Ang pagkakaiba-iba sa kultura ay itinuturing bilang isang mahalagang batayan ng komunidad na tumutulong sa kakayahang magsimula ng pagbabago, lumikha at matuto at tumutulong sa kalidad ng buhay na ating tinatamasa. Mapitagan naming tinatanggap ang talento, kakayahan at lakas na dinadala ng mga bagong-dayo sa aming komunidad.

Ang aming komunidad ay binubuo ng isang populasyong iba-iba. Higit sa 50% sa mga residente ng Timmins ay matatas sa dalawang wika (Ingles at French), isang magandang pursiyento kung ikukumpara sa malalaking lungsod na bilinggwal sa Canada kabilang ang Montreal at Ottawa. Ang Timmins ay tahanan ng dose-dosenang grupong kultural na kumakatawan sa iba't-ibang komunidad na taga-Europa, taga-Asya at mga Katutubo at tahanan sa ilang kaakit-akit at museong kultural at pang-turista.

Nasa gitna ng Northeastern Ontario, ang Timmins ay madaling puntahan mula sa mga mas populadong lugar ng southern Ontario sa pamamagitan ng eroplano, bus at tren. Dahil sa heograpiya, ang Timmins ay isa sa mga pinakamalalaking lungsod ng Canada at tahanan sa humigit-kumulang 45,000 tao. Ang aming lungsod, walang duda, ay isang maluwag na lugar at isang kapaligiran kung saan maaari kang magsimula at matuto. Isa sa limang pinakamalalaking sentro sa Northern Ontario, ang Timmins ay isang masiglang sentrong panrehiyon; isang makabago at maunlad na munisipalidad, na pinaliligiran ng likas na magagandang kagubatan at higit sa limandaang lanaw, ilog at batis. Na may daan-daang kilometro ng magagandang landas, lugar na pang-camping, probinsyal na parke at ilang at saganang sariwang hangin sa loob lamang ng ilang minuto patungo sa sentro ng negosyo, ang Lungsod ng Timmins ay totoong nag-aalok ng pinakamahuhusay na uri ng pamumuhay.

Kung ikaw man ay mahilig sa outdoors o mahilig sa mga isports, ang Timmins ay may lupain at makabagong mga pasilidad sa pagpapalusog at paglalaro para sa lahat ng iyong pangangailangan. Maraming mga club at organisasyong nag-aalok sa parehong kabataan at matatanda ng pagkakataong lumahok sa mga isports pati na rin sa mga panlipunan at kultural na aktibidad. Na naghahandog ng kapaligirang binubuo ng iba't-ibang kultura, ang Timmins ay tahanan ng iba't-ibang katutubong restawran, pagdiriwang at organisasyong kultural.

Ang Lungsod ng Timmins ay nag-aalok ng pinakaangkop na lugar upang matuto. Na may higit sa 20 paaralan sa elementarya at high school, sigurado kang makahahanap ng pinakanaaangkop na karanasan sa classroom para sa iyong anak. Maraming mga oportunidad sa pagpapaunlad ng karera at kalidad na edukasyong post-sekondaryo. Ang Timmins ay tahanan ng dalawang kolehiyo, isang unibersidad na ang wika ay French, Contact North, at nagbibigay-karapatan sa mga programa sa unibersidad kung saan ang wika ay Ingles at isang ganap na kinikilalang hospital na paaralan, na nagbibigay ng oportunidad para sa panghabang-buhay na pag-aaral.

Ang Lungsod ng Timmins ay hindi lamang sentrong pang-industriya, komersiyo, distribusyon, at pananalapi, kungdi sentro ng kultura at pangkalusugang-pangangalaga sa rehiyon. Dahil sa magandang puwesto nito, ang mga lokal na kompanya ay nakaaakit ng mga mahahalagang negosyo mula sa mga karatig-komunidad. Naaakit ng Timmins ang mga mamimili mula sa Cochrane District, James Bay Coastal area, at mga kalapit ng komunidad gaya ng Chapleau at Kirkland lake. Ang mamimili sa teritoryo ng rehiyon ay binubuo ng humigit-kumulang 118,000 tao.

Ang ekonomiya ng Timmins ay inuusong ng mga industriyang pangkalikasan gaya ng pagmimina at panggugubat. Kabilang sa malaking bahagi ng mga nagtatrabaho na tumutulong sa pagkakaroon ng nagkakaibang ekonomiya ay ang retail trade, kontruksyon, mga serbisyong pang-negosyo, mga serbisyong panlipunan at pangkalusugan, mga supplier ng industriya, telekomunikasyon, edukasyon at mga sektor ng turismo.

Ang pagiging di masyadong mahal ng paninirahan sa komunidad ay nagiging dahilan upang ito ay ituring na magandang lokasyon para sa komersyal at industriyal na pag-unlad. Ang Timmins ay patuloy na umuunlad dahil sa bago at umiiral nang mga negosyo na nakikinabang sa tatag ng ating ekonomiya. Ang lungsod ay isang huwarang lokasyon para sa pagpapaunlad ng negosyo at pamumuhunan at nag-aalok ng naiibang bentaha sa ekonomiya na tumutulong sa mga negosyanteng maging mahusay sa kanilang mga negosyo habang namamahagi ng mga industriyang pangkalikasan, mga edukadong nagtatrabaho na bilinggwal, makabagong istraktura ng telekomunikasyon at iba't-ibang institusyong post-sekondaryo.

Ang aming komunidad ay nakikinabang mula sa isang malaking network ng tagabigay serbisyo sa pangkalusugang pangangalaga na nakatuon sa pagbibigay ng mga serbisyo sa pangkalusugang pangangalaga na naaangkop sa mga pangangailangan ng ating komunidad. Ang Timmins at District Hospital ay isa sa pinakamalalaking ospital sa Hilaga at nag-aalok ng ganap na pangangalagang-medikal, surhikal, kritikal, newborn, pambata, at pangmatagalan pati na rin mga serbisyo sa kalusugan ng kaisipan. Ang ospital ay nangunguna sa makabagong kagamitan sa telekomunikasyon at pagsusuri, na nagne-network sa mga physician, doktor at espesyalista sa buong Canada. Dahil sa dami ng mga espesyalista, mga pampamilyang doktor, mga klinikang walk-in at iba-ibang serbisyo sa pagbibigay ng pangkalusugang pangangalaga, aalagaan ka nang husto ng Timmins, pati na rin ang iyong pamilya at mahal sa buhay.

Ang lahat ay narito, hinihintay ka!

Ang Timmins ay isang mahusay na panlahatang komunidad, na punung-puno ng katangian na sanhi upang maging lugar ito na magandang tirhan, pagtrabahuhan, pagsayahan at pagbuuan ng isang pamilya. Lumanghap ng sariwang hangin sa hilaga at magsaya sa isang superyor na kalidad ng buhay na nag-aalok ng maraming trabaho at pamimiliang negosyo, oportunidad sa pagsasaya, mahuhusay na aktibidad na pang-kultural, at makabagong pangkalusugang pangangalaga.

Ang Timmins ay pinipiling destinasyon...at inaanyayahan ka naming tawagin ang Timmins na tahanan.